^

Metro

'Pawikan' restaurant ni-raid: 2 timbog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nilusob ng pinagsanib na puwersa ng Pasay City Police at City Veterinary Office ang isang “exotic restaurant” na nagsisilbi ng mga kakaibang putahe sa kanilang mga kus-tomer tulad ng “endangered” na pawikan, kamakalawa sa naturang lungsod.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Re-public Act 9147 o “Wildlife Conservation and Protection Act” ang mga inaresto na sina Mila Austria, acting manager ng Nature Hot Pot Restaurant na nasa Macapagal Avenue; cook na si Felix Timban at ang may-ari ng establisimiyento na si Jason Cua na hindi na-abutan sa naturang restoran. 

Isinagawa ang pagsalakay makaraang makatanggap ng sumbong ang Pasay City Veterinary Office at Wildlife En-forcement Office sa benta-han ng lutong pawikan sa naturang restoran.  Nabatid na “under the table” o palihim umano ang pag-order ng na-turang putahe na nagkaka-halaga ng P480.

Inabutan pa ng mga awto-ridad si Timban na nagka-katay ng mga pawikan. Na-gawang mailigtas ang dalawa pang buhay na hayop habang minalas na nakatay na ang tatlo pa na pawang mga buntis umano.

Nabatid na paboritong putahe lalo na ng mga Tsinoy ang pawikan dahil sa pani-walang isa itong “aphrodisiac” o pampalakas at pampa-gana sa pakikipagtalik.

CITY VETERINARY OFFICE

FELIX TIMBAN

JASON CUA

MACAPAGAL AVENUE

MILA AUSTRIA

NABATID

NATURE HOT POT RESTAURANT

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY VETERINARY OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with