Buy and sell agent niratrat, todas

MANILA, Philippines - Isang buy and sell agent ang nasawi makaraang bistayin ng bala sa ulo at katawan ng isang hindi nakikilalang salarin habang ang una ay naglalakad papauwi sa Brgy. Batasan Hills sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Gerardo Quebral, 34, ng Maya St., ng nasabing barangay.

Ayon sa report, inaalam pa rin nila ang pagkakakilanlan ng suspect.

Nangyari ang insidente habang naglalakad ang biktima papauwi sa nasabing barangay ganap na ala-1 ng madaling araw.

Bago ito, galing ang biktima sa pakikipag-inuman sa kanyang bayaw na si Joey Bajala at ilang kaibigan at makalipas ng ilang oras ay nagpasya na itong umuwi.

Habang naglalakad sa nasabing lugar, biglang sumulpot ang suspect at agad na pinaputukan sa ulo at katawan ang biktima, bago mabilis na tumakas.

Hindi pa matiyak kung ano ang posibleng motibo sa krimen.

Show comments