^

Metro

Maintainer ng sugalan, utas sa mananaya

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang maintainer ng sugal na color game sa nakatayong peryahan sa lungsod Quezon ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng mananaya na hindi matanggap ang pagkatalo.

Ang biktima ay kinilalang si Edgar Reyes, alyas “Iboy Topak”, residente sa Pinatubo St., Brgy. Kaunlaran sa lungsod.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang salarin na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insi­dente sa may Turla videoke bar na mata­tag­puan sa Pinatubo St., corner EDSA, ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Bago ito, nagkaroon muna umano ng pag­ta­talo ang biktima at nasabing suspect ma­tapos na hindi matanggap ng huli na natalo siya sa paglalaro ng sugal na color game.

Ang pagtatalo ay agad na napawi nang mag­pasyang umalis ang suspect habang ang biktima naman ay nagpunta sa nasabing bar. Habang nakikipag-kuwentuhan ang biktima sa isang Nora Subalisid, may-ari ng bar ay du­mating ang suspect na lasing at bigla na lang sinak­sak nito ang una, saka mabilis na tumakas.

Naisugod pa ang biktima sa may East Avenue Medical Center, ngunit idineklara din itong patay.

AYON

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDGAR REYES

HABANG

IBOY TOPAK

ISANG

NORA SUBALISID

PINATUBO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with