Sasakyan ng Nueva Ecija mayor kinarnap sa Quezon City

MANILA, Philippines - Kinarnap ng hindi pa ma­tukoy na grupo ng karnaper ang sasakyan ng alkalde sa Aliaga, Nueva Ecija habang nakaparada sa harap ng kanyang bahay sa Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.

Ang insidente ay nabatid makaraang dumulog sa tang­gapan ng Police Community Precinct 10 ng Quezon City Po­lice kamakalawa ang driver/security ng alkalde na si Carlos Angeles, 50, may-asawa stay-in sa bahay ng mayor sa Masikap St., Brgy. Pinyahan sa lungsod

Ayon kay Angeles, ang nawawalang sasakyan ay ang Mitsubishi Pajero na kulay silver na may plakang BDL-949 ay pag-aari ni Mayor Mar­cial Vargas ng Aliaga, Nueva Ecija.

Sa pagsisiyasat, ang na­sa­bing sasakyan ay nakapa­rada umano sa harap ng bahay ng alkalde noong May 29  ganap na alas- 8 ng umaga. Subalit makalipas ang ilang oras ay bigla na lamang umanong naglaho ang sa­sakyan. Una nang inakala ni Angeles na baka ginamit ang sasakyan ng pamilya ng alkalde, ngunit makalipas ang gabi ay hindi na ito nakita.

Show comments