^

Metro

Walang demolisyon habang ako ay nakaupo - SB

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte sa mga Muslim na sumugod sa Quezon City Hall kahapon ng umaga na walang magaganap na demolisyon habang siya ang alkalde ng lungsod.

Ang paniniyak ay ginawa ni Belmonte sa harap ng mga protesters na mga miyembro ng United Muslim Association na mariing tumu­tutol sa QC Central Business District Project.

Ayon kay Belmonte, walang naganap na demo­lisyon sa siyam na taon niyang panu­nungkulan bagkus ang mga lumipat sa Montal­ban, Rizal ay boluntaryong umalis sa kanilang mga tahanan partikular ang mga nakatira sa Brgy. North Triangle.

Kaugnay nito, hiniling ni Belmonte sa mga residente na hulihin sa akto ang suspect na nanununog ng bahay ng mga squatters area para siya mismo ang bibitay o hahatol dito.

Nakiusap din ni Belmonte sa mga residente na huwag harangin ang mga nagbobolun­taryong lumipat sa Montalban, Rizal.

Una nang tinanggihan ng mga residente doon ang paglipat sa Montalban, Rizal dahil bukod sa maliit ang bahay ay Class-C, malayo at walang pagkakakitaan sa naturang la­lawigan.

vuukle comment

BELMONTE

CENTRAL BUSINESS DISTRICT PROJECT

MONTALBAN

NORTH TRIANGLE

QUEZON CITY HALL

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

RIZAL

UNITED MUSLIM ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with