^

Metro

Spy cameras tutok sa U-belt, pulis ikinalat

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kasado na ang may 1,000 uni­pormado at nakasuot sibilyang miyembro ng Manila Police District (MPD) na idedeploy sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 15.

Bukod pa rito, nakaposis­yon din ang spy cameras sa crime-prone at siksikang mga lugar lalo na sa univer­sity belt upang makita at maire­kord ang mga kaga­napan sa lugar tulad ng pandurukot, holda­pan at iba pang krimen.

Hindi lamang umano sa oras ng pagbubukas ng klase may nakatutok na mga pulis kundi buong school year at may karagdagan pang 1,000 civilian volunteers na tu­tulong sa mga pulis sa pag­me­mentine ng kaayusan sa bisinidad ng mga es­kwe­ lahan.

Nagpakalat na rin ng flyers at primers si MPD-station 4, commander Supt. Ramon Pra­­nada na nasa hurisdik­siyon ng university belt, sa mga barangay na kanilang nasasakupan at mga estud­yante bilang ba­hagi ng ‘Oplan Balik Paaralan’.

Nakasaad sa flyers ang “Pag-iwas sa Krimen at Sa­kuna sa Balik-Eskwela 2010” hinggil sa mga pag-iingat sa kalye, sa mga sa­sakyan, paunawa sa mga magulang at estudyante para sa ka­nilang kaligtasan at tips sa kababa­ihan upang ma­iwasan ang mabiktima ng krimen.

BALIK-ESKWELA

BUKOD

HUNYO

KASADO

KRIMEN

MANILA POLICE DISTRICT

NAGPAKALAT

OPLAN BALIK PAARALAN

RAMON PRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with