Call center agent, patay sa textmate

MANILA, Philippines - Hubo’t hubad nang ma­tagpuan ang bangkay ng isang call center agent na pinaniniwalaang limang buwang buntis, na pinatay sa sakal ng kanyang ka-Face­book at textmate ka­hapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktimang si Christine Cordova, 30, na­nu­nuluyan sa Sumilang Sub­d., Bgy. Dalandanan ng lungsod na ito habang na­aresto naman ang suspect na si Richard Bicos, 19.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:15 ng madaling-araw nang ma­tagpuan ang bangkay ni Cordova sa comfort room ng Rm. 17 ng Paxton Mote­l sa McArthur Highway, Bgy. Karuhatan, Valenzuela.

Ayon sa pahayag ni Shee­nalyn Talanio, kaibi­gan ng biktima, nag-text sa kanya si Cordova at sina­bing kasama niyang umi­inom si Bicos sa McArthur Grill, sa Karuhatan.

Subalit hindi na ito na­sundan pa hanggang sa ma­laman ni Talanio sa mga pulis ang pagkakatagpo sa bangkay ni Cordova sa na­sabing motel.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay agad namang nadakip si Bicos kung saan nakuha mula rito ang Nokia 3100 na pag-aari ng biktima.

Inaalam pa rin ng pu­lisya ang tunay na motibo ng pamamaslang.

Show comments