^

Metro

Bicutan jail ng BI maluwag na

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 36 na mga dayuhan ang naipata­pon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) sa loob ng unang limang buwan ng taong kasaluku­yan bilang hakbang upang mapaluwag ang kanilang detention center sa Bicutan, Taguig.

Sa ulat ni BI deportation unit head Antonio Ri­vera, sinabi nito na simula noong May 27 ay mayroon na la­mang 60 dayuhan ang na­kapiit sa Bicutan jail.

Ayon naman kay BI Com­missioner Marcelino Libanan, sapat lamang ang 60 inmates sa kondisyon ng bilangguan at kanilang pasilidad dahil kaya lamang nitong i-acco­modate ang may 80 bilanggo.

Idinagdag pa ni Libanan na sa sandaling walang legal na balakid upang mapa deport ang mga detainee ay kaagad nilang ikinukuha ang mga ito ng clearance pa­balik sa kani-kanilang mga bansa.

Ang BI na rin umano ang siyang sumasagot sa plane ticket ng mga detainee sa sandaling mapatunayan na walang kakayahan ang mga ito na bumili ng ticket

Base sa datus ng BI, si­mula Enero hanggang Mayo ay mayroong 13 Georgians, apat na Koreans, tatlong Germans, dala­wang Americans, dalawang Japanese, dala­wang Syrians at dalawang Turks ang naipa-deport.

Kabilang din ang Briton, Ghanaian, Nepalese, New Zealander, Norwegian, Pa­les­tinian, Sri Lankan at Saudi National.

ANTONIO RI

AYON

BICUTAN

BUREAU OF IMMIGRATION

ENERO

MARCELINO LIBANAN

NEW ZEALANDER

SAUDI NATIONAL

SHY

SRI LANKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with