Purok lider todas sa riding in tandem

MANILA, Philippines - Butas ang noo ng isang Purok Lider na agad na nasawi makaraang pagbabarilin ng riding in tandem na nakasuot ng bonnet habang ang una ay nakatayo sa ha­rapan ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon kay PO3 Joselito Gagaza ng Quezon City Police District, dakong alas-6 kamakalawa ng gabi nang ma­ganap ang pamamaril sa biktimang si Sylvia Quebec, 49, sa harap mismo ng bahay nito sa 502 Payatas Road corner Abris St., Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang lalaki na naka­sakay sa isang Kawasaki MC na walang plaka at walang sabi-sabing pina­putukan ang una gamit ang kalibre 45 baril.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect sa hindi mabatid na direksyon.

Ayon kay Gagaza, kabilang sa kanilang motibong sini­siyasat ay ang pagiging aktibo ng biktima sa pang­huhuli ng mga kriminal at ang pagsuporta nito sa gina­gawang road widening sa nasabing lugar kung saan ay maraming bahay ang tinamaan.

Show comments