Purok lider todas sa riding in tandem
MANILA, Philippines - Butas ang noo ng isang Purok Lider na agad na nasawi makaraang pagbabarilin ng riding in tandem na nakasuot ng bonnet habang ang una ay nakatayo sa harapan ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Ayon kay PO3 Joselito Gagaza ng Quezon City Police District, dakong alas-6 kamakalawa ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktimang si Sylvia Quebec, 49, sa harap mismo ng bahay nito sa 502 Payatas Road corner Abris St., Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.
Nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang lalaki na nakasakay sa isang Kawasaki MC na walang plaka at walang sabi-sabing pinaputukan ang una gamit ang kalibre 45 baril.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect sa hindi mabatid na direksyon.
Ayon kay Gagaza, kabilang sa kanilang motibong sinisiyasat ay ang pagiging aktibo ng biktima sa panghuhuli ng mga kriminal at ang pagsuporta nito sa ginagawang road widening sa nasabing lugar kung saan ay maraming bahay ang tinamaan.
- Latest
- Trending