Call boy, pokpok wawalisin sa Recto, Sta. Cruz

MANILA, Philippines - Nangako ang bagong tala­gang hepe ng Manila Police District–Station 3 na wawa­lisin nila ang kahabaan ng C. M. Recto at ilang lugar sa Sta. Cruz, Maynila na tambayan ng mga lalaking ‘call boy at babaeng ‘pokpok’, na nag-aalok ng panan­da­liang aliw.

 Ayon kay Supt. James Afalia, na bukod sa pamama­yagpag ng mga nasabing ‘pick-up’ o sex workers, sa ilang shopping malls, duma­dagsa na naman ang mga ito sa kalye, na sinasabing pina­babayaan lamang ng mga kakutsabang pulis at ilang opisyal ng lungsod.

Kinilala ang mga naares­tong sina Jay Esguerra, 23, ng no.643 Trinidad St., Sta. Cruz, Maynila; Analiza Embarga, 34, ng no. 640 Trinidad St., Sta. Cruz, Maynila at Jennifer Concepcion, 26, ng no. 942 Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila, na naobserbahang nag-aalok ng aliw sa mga dumaraan.

Kasunod ito ng pagkaka­dakip ng mga tauhan ni Afalia sa dalawang babae at isang lalaki na diumano’y sex wor­kers­, habang naghihintay ng customer sa Rizal Ave. at Doroteo Jose st., dakong 10:15 ng gabi nitong Sabado. Kasong paglabag sa City Ordinance 4638 (Vagrancy) ang iniharap sa tatlo.

Show comments