^

Metro

20 kabahayan naabo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Umabot sa may 20 kaba­hayan ang nilamon ng apoy kabilang ang bahay ng isang pulis-Maynila na na­katalaga sa Manila Police District-District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU) sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nasa kahimbingan ng tulog nang sumiklab ang sunog, dakong alas-12:56 ng ma­daling-araw. Maswerteng walang naiulat na nasaktan o nasugatan bagamat na­damay ang bahay ni PO2 Bong Liangco.

 Tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng mga ari-ariang naabo, na tumagal ng limang oras habang uma­bot naman sa ika-5 alarma ang sunog sa bahagi ng Corcuera at Velasquez Sts.

Sinasabing nahirapan ang mga bumbero na agad na apulahin ang sunog dahil sa walang masipsip na tubig sa mga fire hydrant sa lugar.

Dahil dito nagtulung-tulong ang mga residente sa pag­buhos ng timba-timbang tubig upang maapula ang apoy.

Sa isang Boy “Emong” Guil­lermo sa No. 471 Velas­quez st., umano nagsimula ang apoy na mabilis na ku­malat sa iba pang kaba­hayan.

BONG LIANGCO

CORCUERA

DAHIL

GUIL

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE AND OPERATIONS UNIT

MASWERTENG

MAYNILA

SHY

VELASQUEZ STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with