^

Metro

9 illegal poachers, timbog

-

MANILA, Philippines – Dinakip ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyam na Chinese national kaugnay sa illegal poaching sa Puerto Princesa, Palawan, at pagkum­piska sa embalsamadong sea turtles.

Sa ulat ni PCG Commandant, Admiral Wilfredo Tamayo, nagsuspetsa ang mga tauhan ng PCG na sakay ng MCS-3002, nang mamataan sa karagatan ang bar­kong pangisda na may body number 05022 na may sakay na siyam na dayu­hang mangi­ngisda sa 45 Nautical Miles Northwest ng Ligas Point, Balabac Island­, Palawan, dakong alas-4 ng ma­daling-araw noong Huwebes.

Ibeneberipika pa ang pagkilanlan ng mga dayuhang mangingisda. 

Nabatid na habang papalapit ang PCG sa nasabing barko ay nagpatay ng lahat ng ilaw ang mga dayuhan habang mina­maniobra ang barko papatakas.

Nang mauwi sa habulan, nakita ng PCG na may itinatapon sa dagat ang mga dayuhan at nang masakote ay ininspek­siyon sa presensiya ng kinatawan ng Bureau­ of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Dalawang embalsamadong sea turtles at ilang bote ng hinihinalang naglalaman ng karne ng giant clam ang narekober.

Sinabi ng tumatayong kapitan ng barko na wala silang kasamang crew.

Nakumpiska din ng PCG-BFAR team ang ilang containers ng formaldehyde (formalin­) at stuffing materials na ginamit sa embalsamadong sea turtles.

May mga bakas din ng sariwang dugo at kaliskis ng sea turtles sa nasabing barko. (Ludy Bermudo)

ADMIRAL WILFREDO TAMAYO

BALABAC ISLAND

FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

LIGAS POINT

LUDY BERMUDO

NAUTICAL MILES NORTHWEST

PALAWAN

PHILIPPINE COAST GUARD

PUERTO PRINCESA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with