4 katao hulog sa 25th floor, dedo
MANILA, Philippines – Apat na steelman ang namatay habang isang welder ang nasugatan nang mahulog ang mga ito sa 6th floor mula sa 25th floor ng kanilang ginagawang elevator sa isang construction site kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Namatay habang gi nagamot sa Quezon City General Hospital sina Leo Vinas, Gilbert Leonardo, Joey Dilloza at Gabriel Rejuso, pawang steelman samantalang patuloy namang inoobserbahan sa naturan ding ospital si Carlos Lanojan, welder.
Ang mga biktima ay pawang mga nagtatrabaho sa #137 PGI construction project sa West Avenue ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay PO3 Greg Marang ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi kasabay ng malakas na hangin at pag-ulan.
Nagkakabit ng brace at sheer wall ng elevator ang mga biktima nang biglang bumaluktot ang bakal na kanilang tinutuntungan.
Kasabay ng malakas na hangin posible umanong na out of balance ang mga biktima hanggang sa mahulog.
Subalit ayon naman kay Engr. Nelson Lontoc, namamahala sa nasabing construction site, imposibleng bumaluktot ang bakal na tinutuntungan ng mga biktima dahil kongkreto itong nakakabit sa 22th floor.
- Latest
- Trending