^

Metro

Manila Traffic police inireklamo ng 'kotong'

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang  tauhan ng Manila Police District-Traffic Ma­nage­ment Group ang  inireklamo ng  Chinese com­munity na umano’y nangongotong sa kanila sa  Binondo, Maynila.

Kasabay nito, pumalag naman ang  hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na si Nancy Villanuea kaugnay sa akusasyon ni PO3 Frederick Pastor  na ‘kotong enforcers’  ang kanyang mga tauhan partikular sa Soler-Reina Regente Sts. sa Binondo, Maynila.

Ayon kay  Villanueva, pawang mga kasinungalingan ang ipinalabas ni Pastor nang sabihin nito na dalawa sa  tauhan ng MTPB na nagngangalang Ryan at  Magno  ang  nangongotong  sa Binondo samantalang  siya (Pastor) ang  inirereklamo ng  mga negosyanteng Intsik.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Pastor umano ay kumokolekta ng halagang P400 hanggang P500 sa bawat cement mixer na papasok sa Reina Regente pa­tungong Soler kung saan naroon ng konstruksyon ng Puregold bagama’t one-way.

Ipinagbabawal  ng mga MTPB enforcer ang pagdaan ng mga mixer sa naturang lugar subalit kung walang MTPB,  pinapalusot umano ni Pastor ang may 10 mixer na nagbibigay umano sa nasabing pulis ng halagang P4,000. Iginiit ni  Villanueva na hindi umano maka­tarungan na tawagin ni Pastor na kotong ang kanyang mga ta­uhan samantalang nakabilad ang mga katawan nito sa araw mapaayos lamang ang  daloy ng trapiko.

BINONDO

FREDERICK PASTOR

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC MA

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYNILA

NANCY VILLANUEA

REINA REGENTE

SOLER-REINA REGENTE STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with