^

Metro

Rider, angkas na bebot dedo sa 18-wheeler truck

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang magka-angkas na babae at lalaki sa isang motorsiklo matapos masagi ng humahagibis na 18-wheeler truck kahapon ng madaling-araw, sa, Nagtahan Bridge, Sta.Mesa, Maynila.

Dead-on-the-spot si Rosendo Rosel, 35, na siyang nagmamaneho sa motorsiklo at residente ng Favie Estate, Paco, Maynila bunga ng matinding pinsala na tinamo ng ulo.

Naisugod pa sa Ospital ng Sampaloc ang hindi nakilalang babae na angkas  ni Rosel subalit idineklarang dead-on-arrival. Hindi na umano inabutan sa ospital  ng mga imbesti­gador ng Traffic Bureau ang bangkay ng nasabing babae na kaagad namang kinuha ng mga kaanak.

Lumutang naman sa traffic police ang misis ni Rosel na nagpakilalang si Teresita Rosel at iginiit na hindi ang babaeng namatay ang asawa ng rider.

Nabatid na dakong ala-1:40 ng madaling-araw, sa Nagtahan bridge, nang mahagip umano ng rumara­gasang truck na may plakang UJW-804 ang motor­sik­long may plakang IZ-4235  na sinasakyan ng dalawang biktima.

vuukle comment

FAVIE ESTATE

KAPWA

LUMUTANG

MAYNILA

NABATID

NAGTAHAN

NAGTAHAN BRIDGE

ROSENDO ROSEL

TERESITA ROSEL

TRAFFIC BUREAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with