Bahay ng parak niratrat, 3-anyos na anak sugatan
MANILA, Philippines - Sugatan ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki na anak ng isang pulis nang pagbabarilin ang kanilang bahay ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin kahapon sa Navotas City.
Nakilala ang biktima na si Justine Matabang, anak ni PO1 Edgardo Matabang, ng Navotas City Police at residente ng Rosal st., Brgy. Tanza ng nabanggit na lungsod.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek.
Naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon, habang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ama nang paulanan ng bala ng mga suspek.
Mabilis na nakuha ng pulis ang kanyang baril at gumanti ng putok sa mga suspek subalit mabilis na tumakas ang mga ito sakay ng isang kulay berdeng Toyota Revo na walang plaka. Nang bumalik sa loob ng bahay si Matabang ay nakita na nitong nagdudugo ang paa ng kanyang anak sanhi ng tama ng bala na naging dahilan upang dalhin ito sa nabanggit na pagamutan.
Isa sa mga teorya ng pulisya, puntirya ng mga suspek ay si PO3 Matabang na ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso.
- Latest
- Trending