Paslit lunod sa balde ng tubig

MANILA, Philippines - Patay ang isang taong-gu­lang na batang babae ma­ta­pos na malunod sa isang bal­deng puno ng tubig sa lung­sod Quezon kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Nicole Mahilum, ng Dagot St., Brgy. Manresa sa lungsod.

Sa ulat ng Criminal Inves­tigation and Detective Unit ng QCPD, nangyari ang insi­dente sa may 142 Dagot St., Brgy. Manresa ganap na alas-5:30 ng umaga.

Sinasabing ang bata at step-sister nitong si Judy Ann, 12, ay naiwang magkasama sa loob ng kanilang bahay nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa tatay ng biktima na si Joel, iniwan niya ang da­lawang anak na natutulog sa loob ng kanilang bahay ganap na alas-11:30 ng gabi habang siya naman ay nama­sada.

Ang nanay naman ng mga bata ay nagpunta sa Bohol kung kaya walang naiwan sa mga bata ito.

Nabatid na ang biktima ay anak umano ni Joel sa ibang babae at iniwan sa panga­ngalaga niya.

Sa panayam naman ni PO3 Jaime Jimena, ng CIDU kay Judy Ann, sinabi nito na natagpuan niya ang kapatid sa loob ng isang baldeng puno ng tubig nang magising siya ng nasabing oras.

Naniniwala ang pulisya na posibleng hindi namalayan ni Judy Ann na tumayo ang bata sa higaan at nagtungo sa ku­beta saka naglaro ng tubig sa balde at napasubsob sanhi ng insidente.

Nagawa pang maisugod sa Sta. Teresita Hospital ang bik­tima ngunit idineklara rin itong patay dahil ayon sa doktor, ang baga umano nito ay napuno na ng tubig dulot ng pagkalunod.

Inaalam naman ng awto­ridad kung dapat na papana­gutin ang magulang ng bata sa nasabing insidente.

Show comments