MANILA, Philippines - Tinuligsa ng isang militanteng grupo ang planong 333% pagtataas sa singil sa toll ng South Luzon Expressway (SLEX) dulot umano ng privati zation nito.
Sinabi ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na walang karapatan ang Manila Toll Expressway Systems Inc. (Mates) sa pagtataas sa toll dahil hindi naman nito nasolusyunan ang pagbubuhol ng trapiko sa 30-kilometrong kalsada.
Dapat umanong maawa ang Mates sa mga motorista na hindi naman lahat ay mayayaman na napipilitang maglabas ng pera mula nang magpatupad ng 12% VAT sa tolls.
Nitong nakaraang Lunes, hiniling ng Mates sa Toll Regulatory Board (TRB) na itaas ang singil nila buhat sa kasalukuyang P.82 sentimos kada kilometro sa P3.55. Kung papayagan ito ng TRB, mistulang binigyan pa ng premyo at iniendorso pa ang kapalpakan ng Mates.