MANILA, Philippines - Nilaslas ang leeg ng isang katulong ng isang magnanakaw na nanloob sa bahay ng kanyang amo sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Nakilala ang nasawing biktima na si Merlinda Kan, 35, stay-in housemaid sa 65 Aguinaldo St., corner Apacible St., UP campus sa lungsod.
Sa imbestigasyon si Kan ay naninilbihan sa bahay ng isang Dr. Amparo Adelina Umali III, professor ng UP na nagsimula lamang noong May 8, 2010.
Napag-alaman na nagbakasyon sa Amerika ang among doktora at tanging ang biktima lamang ang naiwan sa naturang bahay.
Natagpuan lamang ang bangkay ng biktima dakong ala-1 ng hapon makaraang dumating sa bahay sina Renato Reyes, Eleonor de Guzman at Rita Balia para sa staff meeting.
Sa pagsisiyasat ng CIDU, base sa pahayag nina Rasalan Dianne Ericka Umali, pamangkin ng doktora nawawala umano ang welding machine na nakalagay sa likuran ng naturang bahay.
Ayon pa sa pulisya na sa sugat na natamo ng biktima sa ulo posibleng nanlaban ito bago sinaksak ng suspek.