Rambol sa piyesta: 2 sugatan

MANILA, Philippines - Kapwa nasa malubhang kalagayan ang  isang pulis at isang batang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa nagrambulang grupo sa isang piyestahan  sa Calo­ocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nasu­gatan na sina PO3 Rustico Morelos, 42, ng Mandaluyong City Police at Carlos Romero, 6, ng Lerma st., Maypajo ng lungsod na ito.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang isang alyas Bartolo na sina­sabing nagpa­putok ng baril.

Lumalabas sa imbestigas­yon ng pulisya na dakong alas-6:45 ng gabi, nabatid na sakop ng piyesta ang kaha­baan ng  P. Castillo st., May­pajo at nagkarambulan ang grupo ni Bartolo at isa pang grupo ng mga hindi pa naki­kilalang mga kalalakihan.

Sunud-sunod na nagpa­putok si Bartolo subalit ang mga biktima ang inabot ng mga ligaw na bala na naging dahilan upang dalhin ang mga ito sa ospital.

Show comments