Rambol sa piyesta: 2 sugatan
MANILA, Philippines - Kapwa nasa malubhang kalagayan ang isang pulis at isang batang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa nagrambulang grupo sa isang piyestahan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga nasugatan na sina PO3 Rustico Morelos, 42, ng Mandaluyong City Police at Carlos Romero, 6, ng Lerma st., Maypajo ng lungsod na ito.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang isang alyas Bartolo na sinasabing nagpaputok ng baril.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-6:45 ng gabi, nabatid na sakop ng piyesta ang kahabaan ng P. Castillo st., Maypajo at nagkarambulan ang grupo ni Bartolo at isa pang grupo ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan.
Sunud-sunod na nagpaputok si Bartolo subalit ang mga biktima ang inabot ng mga ligaw na bala na naging dahilan upang dalhin ang mga ito sa ospital.
- Latest
- Trending