PDEA nagbabala sa drug companies vs pekeng lisensiya

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lahat ng PDEA re­gistered chemical at drug companies na maging vigi­lante laban sa taong guma­gamit ng pekeng lisensiya ng kagawaran para makabili ng ipinagbabawal na droga, con­trolled precursors at essential chemicals.

Aksyon ito ng kagawaran matapos na makatanggap ng ulat si PDEA Director General/Senior Undersecretary Dio­nisio R. Santiago mula kay Director Helen Maita E. Reyes ng PDEA Compliance Service kaugnay sa apat na kaso na kinasasangkutan ng pame­meke ng License to Handle (LTH) na nasa ilalim ng kan­yang tanggapan.

Gayunman, kung may pag-aalinlangan anya ka­ug­nay sa PDEA LTH na ipri­nisinta sa kanila, ang lahat ng PDEA registered chemical at drug companies ay maaring gu­mawa ng berepikasyon mula sa  PDEA Compliance Ser­vice na may telephone number (+632) 920-8110 o sa mobile numbers +63917-8378116 at +63922-8722127 hanggang 29.

Show comments