^

Metro

NCRPO rescue team handa na sa La Niña

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakahanda na ngayon ang rescue team ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa posibleng pag­ba­baha sa Metro Manila na kahalintulad ng naganap sa ka­sagsagan ng bagyong Ondoy lalo ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-ulan.

Sinabi ni NCRPO chief, Di­rector Roberto Rosales na mag­sasagawa sila ng “opera­tional testing” ng kanilang 11 kahoy na bangka, isang life boat na maaaring maglulan ng 25 katao at anim na rubber boats.

Ang naturang mga aktibi­dad ay bilang paghahanda lalo na ang inihayag kama­ka­ilan ng Philippine Atmo­spheric, Geophysical and Astro­nomical Services Admi­nistration (PAGASA) na po­sibleng pagtama uli ng kaha­lintulad ng pagbabaha na idinulot ng magkasunod na bagyong Ondoy at Pepeng noong nakaraang taon na re­sulta pa rin ng lumalalang prob­lema sa “Global Warm­ing”.

Bukod sa mga bangka, nakahanda na rin ang mga life vests, floatation devices, at thermal blankets sa pitong “search and rescue teams” ng NCRPO. May nakakabit din na “global positioning system” (GPS) ang kanilang mga bangka para sa “navigation”, Closed Circuit Television (CCTV) camera para mai-rekord ang mga kaganapan, trunked radio system para sa komunikasyon at flood lamps para makapag-operate kahit sa gabi.

May 109 tauhan ng NCRPO ang sumailalim sa “Basic Rescue Operations Tranining” tulad ng emer­gency medical, rope training, water safety, boat handling at field training exercises.

BASIC RESCUE OPERATIONS TRANINING

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

GEOPHYSICAL AND ASTRO

GLOBAL WARM

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

ONDOY

PHILIPPINE ATMO

ROBERTO ROSALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with