Promdi utas sa harap ng gf

MANILA, Philippines - Tila hudyat na huling hirit na sa pagkanta ng isang pro­bin­syano matapos na tara­kan ng mga saksak sa dibdib ng isang lalaki na umano’y na­irita sa ingay ng una sa pag­kanta sa videoke sa lungsod Que­zon, kama­kalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Michael Camota, 22, construction worker, tubong-Negros Occidental at naninirahan sa Batangas City.

Natukoy naman ang sa­larin sa alyas na “Kano” na ngayon ay target na ng pag­tugis ng Quezon City Police.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa isang videoke sari-sari store sa may Cala­chuchi St., Purok 5, Gravel Pit, Payatas A sa lungsod ganap na alas-10 ng gabi.

Sinasabing galing ng Ba­tangas ang biktima at dumayo lamang sa nasabing lugar para dalawin ang kan­yang girlfriend na si Vivencia Andro­nino na nakilala niya sa pama­magitan ng text sa cellphone.

Dahil sa cellphone text messages lang nag-uusap at nagpaplano nang magpa­kasal, nagpasya ang dalawa na magpunta sa nasabing tin­dahan para magsaya kasama ang isang Jun Ray Matarong.

Upang maipakita ng bik­tima ang pagmamahal sa kan­yang syota, masayang kina­n­tahan niya ito sa videoke.

Ngunit, ayon kay Andro­nino, nasa kainitan sila ng pagsa­saya ng boyfriend nang mula sa likod nito ay sumulpot ang suspect at biglang inun­dayan nito ng saksak sa ka­tawan ang biktima at pagka­tapos ay tumakas.

Sa kabila ng natamong sugat ay nagawa pang maka­takbo papalabas ng videoke bar ng biktima, ngunit dahil sa ma­tinding tama ay bumuwal din ito sa kalsada at nalagutan ng hininga. Suspetsa ng girl­friend, posibleng may naka­away sa pro­binsya ang bik­tima, dahil bago ang krimen ay may naka­pagsabi umano sa kanya na may nakaaway si Camota sa lugar nito kung kaya lumuwas ng Maynila.

Subalit ayon sa pulisya, ang suspect ay nainis sa ma­lakas na pagkanta sa videoke ng biktima kung kaya ito sinaksak.

Gayun­man, patuloy ang imbesti­gasyon ng pulisya sa na­sabing insidente.

Show comments