^

Metro

Kredibilidad ng PETC system kinuwestiyon

-

MANILA, Philippines - Ibinunyag ng Strad­com Corporation, ang exclusive Information Technology service provider ng Land Transportation Office na karami­han sa lumalaking bilang ng mga Private Emission Testing Center sa bansa ay pag-aari o di kaya pi­namamahalaan ng mga mismong PETC IT providers din dahilan upang makitaan ito ng “conflict of interest.”

Sa ulat ng Stradcom sa LTO, kinuwestiyon nito ang kredibilidad ng kala­karan sa PETC system kaugnay sa pag-iisyu ng mga emission testing certificate of compliance na kung saan ito ay ma­ituturing na “at stake” dahil ang mga IT providers din ang mga may-ari ng emission testing centers­. 

Kinuwestiyon pa ng Stradcom ang tinatawag na “functional usage system ng mga IT providers kabilang ang ipinag­mamalaki nitong “eagle-eye” camera system na kanilang ginaga­mit upang makontrol “daw” ang non-appe­rance emission tes­ting­.

Sinabi pa ng Strad­com na ang kasaluku­yang sistema ng PETC ay madaling abusuhin at imanipula ng mga tiwa­ling tauhan ng mga PETC IT providers at PETC owners. Base sa isina­ga­wang “random checking” ng Stradcom sa mga sasak­yang bumi­bi­yahe sa Metro Manila, lumalabas umano na ma­rami pa din ang smoke belchers sa lan­ sa­ngan kaya nakaka­pagtaka uma­­no kung paano sila naka­kapasa sa emission testing o nakakakuha ng emission testing certi­ficate.

EMISSION

IBINUNYAG

INFORMATION TECHNOLOGY

KINUWESTIYON

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

PRIVATE EMISSION TESTING CENTER

SHY

STRADCOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with