Away sa metro ng tubig, mister inutas

MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang naging kamatayan ng isang mister matapos na pagsasaksakin ng kan­yang kapitbahay na kan­­yang nakaaway sa na­wawalang metro ng tubig sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Fairview General Hospital si Arturo Belgica, 58, may-asawa ng 48 Block 3, Empire Extension, Brgy. Payatas B, mata­ pos na magtamo ng sak­­sak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ha­bang pi­naghahanap na­man ang suspect na si July Igle­sia, ng Block 7, Phase 3, ng nabanggit ding lugar.

Ayon kay PO2 Rol­dan Dapat, ng Criminal Investigation and De­tective Unit ng QCPD, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon nang duma­ting ang suspect sa bahay ng biktima at na­kipag-inuman.

Dala marahil ng kala­singan ay naungkat ng sus­­­pect ang umano’y pag­­kawala ng kanyang metro ng tubig kung saan ang biktima ang kanyang pinagbibinta­ngan.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa, hanggang magpasyang umalis ang suspect na sinundan na­man ng bik­tima upang bumili ng si­ga­rilyo.

Ngunit lingid sa ka­ala­man ng biktima ay ina­abangan na siya ng suspect dala ang isang pa­talim. Dito ay inunda­yan ng suspect ng sak­sak sa ibat ibang bahagi ng ka­tawan ang biktima.

Bagamat pinipilit pa ng biktima na maka­takbo, hindi naman ito nakata­kas sa patalim ng suspect. Tinangka pa ng live in part­ner ng biktima na si Gloria Serafica na ma­isalba ang biktima subalit huli na ang lahat.

Show comments