50 bahay naabo sa sunog

MANILA, Philippines - May 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin ng apoy ang may 50 kaba­hayan sa lungsod Que­zon kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa tahanan ng isang Mrs. Legarde na matatagpuan sa no. 418 Carmona St., San Ro­que, Brgy. Bagong Pag-asa ganap na alas 11:44 ng gabi.

Dahil pawang mga yari sa light materials ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy hang­gang sa madamay na rin ang kalapit bahay nito.

Umabot naman sa ika-4 na alarma bago tuluyang ideklarang fire out ang sunog. Wala namang iniulat na na­saktan o nasawi dito.

Patuloy namang ini­im­bestigahan ng otoridad ang sanhi ng insidente kung saan may nagsa­sabing sinadya umano ang pangyayari. Ang halaga ng pinsala ay patuloy ring iniimbes­tigahan.

Show comments