^

Metro

300 CCTV camera kinabit sa bisinidad ng unibersidad

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinahayag kahapon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na naikabit na nila ang nasa 300 “closed circuit television (CCTV) cameras” sa bisinidad ng mga paaralan bilang pag­hahanda nila sa segu­ridad sa darating na pa­sukan sa Hunyo 15.

Sinabi ni Supt. Rom­mel Miranda, tagapag­salita ng NCRPO, na iki­nabit na ang mga came­ra sa paligid ng University Belt sa Maynila kung saan naririto ang pinaka­malalaking unibersidad sa bansa tulad ng Dela Salle University, University of Sto. Tomas, Letran College, at iba pa.

Kinabitan rin ng CCTV cameras ang bisi­nidad ng International School (IS) sa Taguig City dahil sa mga naganap na pambibiktima ng mga masasamang-loob dito tuwing pasukan.

Nagkabit na rin ang pulisya ng mga camera sa paligid ng Chinese Schools sa Padre Algue at Jose Abad Santos sa Tondo, Manila dahil na rin sa mga naganap na pagkidnap noon sa ilang mga estudyanteng anak ng mayayamang negos­yanteng Tsinoy.

Una nang inihayag ng NCRPO na nasa 8,000 pulis ang kanilang ikaka­lat sa pasukan bilang pakikiisa sa “Oplan Balik-Eskuwela” ng pama­halaan. Maglalagay rin ng mga helpdesks ang NCRPO para pagsum­bungan ng mga mabibik­tima ng mga kriminal habang paiigtingin rin ang pagpapatrulya.

Binabantayan din ng pulisya ang posibilidad na pag­salakay ng mga “kidnap for ransom gang” habang nais ring masa­wata ang mga “street crimes” tulad ng robbery snatching, holdap, pan­durukot, at iba pang modus ope­randi.

CHINESE SCHOOLS

DELA SALLE UNIVERSITY

INTERNATIONAL SCHOOL

JOSE ABAD SANTOS

LETRAN COLLEGE

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

OPLAN BALIK-ESKUWELA

PADRE ALGUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with