82-anyos na ina kinatay ng anak
MANILA, Philippines - Isang 82-anyos na ina ang pinatay ng sariling anak makaraang hindi pumayag ang una na makapagtayo ng bahay ang huli sa kanilang bakuran, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Namatay noon din sanhi ng tinamong mga saksak sa leeg at dibdib ang biktimang si Matilde Espayos, ng Don Antonio ng lungsod na ito.
Arestado naman ng pulisya ang suspek na si Jessie Espayos, 40, nakatira sa 7th Avenue, ng nabanggit ring siyudad.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima sa Don Antonio, ng lungsod na ito.
Nabatid na lasing na pinuntuhan ng suspek ang kanyang ina at inaway dahil sa pagtanggi ng matanda na magtayo ng bahay si Jessie sa harap ng bahay nito.
Napag-alaman na mabilis na kumuha ng pa talim ang suspek at pinagsasaksak ang kanyang ina na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
- Latest
- Trending