^

Metro

2 pintor tinaniman ng bala sa ulo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kapwa mga bangkay na nang madiskubre ang dala­wang pintor na nagtamo ng tama ng bala sa ulo sa loob ng kinontrata nilang bahay habang iniimbestigahan na­man ng pulisya ang pagdukot sa kanilang amo, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Kapwa nagtamo ng tig-isang tama ng bala ng ka­libre .9mm sa ulo ang mga biktima na nakilalang sina Renji Ma­ capagal at Rodelio Galvez.

Masusi naman ang follow-up investigation ng pulisya sa sinasabing pagdukot ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa amo ng dalawang biktima na nakilala pa lamang sa pangalang Dave.

Sa ulat ni Insp. Rosendo Mendoza, hepe ng Criminal In­vestigation Unit (CIU), na­diskubre ang bangkay ng dalawa dakong alas-5 ng madaling- araw sa loob ng pini­pinturahan nilang bahay sa #632 Payapa st. Brgy. Plain­view, sa naturang lungsod.

Nabatid na nag-iinuman ang dalawang biktima ka­sama ang among si Dave kamakalawa ng gabi. Pasado alas-3 ng madaling-araw nang makarinig ng apat na sunud-sunod na putok ng baril ang mga kapitbahay ngunit wala namang nag-usyuso dahil sa takot.

Nadiskubre lamang ang mga biktima nang dumating sa lugar ang isang saksi na nagpakilala sa pulisya sa pangalang Ting. Sinabi nito na tinawagan umano siya ng kaibigang si Dave at sinabing pinatay ang kanyang mga pintor ng mga hindi pa na­kilalang lalaki habang siya naman ay dinukot.

Patuloy pa ring iniimbesti­gahan ang insidente upang malaman kung ano ang tunay na motibo sa krimen habang pinaghahanap na rin ng mga awtoridad ang nawawalang amo ng dalawang biktima na si Dave na posible umanong may malaking kinalaman sa nangyari.

BRGY

CRIMINAL IN

KAPWA

MANDALUYONG CITY

MASUSI

RENJI MA

RODELIO GALVEZ

ROSENDO MENDOZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with