^

Metro

13 pulis ng anti-drugs unit ng Pasay, sinibak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ang 13 pulis kabilang ang hepe ng Station Anti-Illegal Drugs Spe­cial Operations Task Group (SAID-SOTG) ng Pasay City police makaraan ang sunud-sunod na operas­yon ng Phi­lippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) sa kanilang balwarte na nagresulta sa pagkakadakip ng mga hinihi­nalang drug pushers.

Nakilala ang naturang opisyal na si Chief Insp. Sal­vador Solana habang inilagay naman sa administrative department ang 12 nitong tauhan.

Pansamantala namang itinalaga ni Pasay police chief, Sr. Supt. Raul Petrasanta si Chief Insp Mario Cortez, bilang officer-in-charge ng SAID-SOTF habang kukuha naman ng 11 pulis buhat sa mga Police Community Pre­cincts para bumuo sa bagong mga tauhan ng naturang opisina.

Matatandaan na unang sinalakay ng mga tauhan ng PDEA noong Abril 27 ang bahay ng pamilya Punzalan sa Apelo Cruz Compound, Pasay City na naging dahilan ng pagkakalansag sa Pun­zalan drug syndicate matapos madakip ang siyam na mga suspek.

Sinundan ito ng pagkaka­dakip sa bagitong pulis na si PO1 Rodelio Rana ng PCP-6 ng Pasay police  at isa pang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall kung saan na­kumpiska sa kanya ang isa at kalahating kilo ng cocaine noong Mayo 17.

Kamakalawa ng hapon ay nilusob naman ng PDEA ang bahay ng pamilya ng isang ba­rangay chairman sa Muñoz St., Tramo at nadakip ang may 15-katao na pawang sangkot sa pagbebenta ng shabu.

Ikinatuwiran naman ng SAID-SOTG na kulang sila sa pondo kaya’t hindi makapag­sa­gawa ng buy-bust sa mala­laking sindikato, bukod sa pino­protektahan umano ng ilang mga tiwaling barangay officials ang mga drug pushers sa lungsod.

APELO CRUZ COMPOUND

CHIEF INSP

CHIEF INSP MARIO CORTEZ

DRUG ENFORCE

DRUGS SPE

OPERATIONS TASK GROUP

PASAY

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with