^

Metro

Binata nagbigti

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Uminom muna ng dalawang bote ng beer bago umakyat sa terrace saka nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang 19-anyos na binata na iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Jay Mark Rerela, delivery boy ng Mendoza St., Brgy. Paltok sa lungsod.

Ayon sa pulisya, bukod sa nakita nilang uminom muna ng alak, wala anyang alam ang mga kaibigan nito kung ano ang dahilan at bakit ito nagpaka­matay dahil wala naman daw itong naikukuwento sa kanilang problema.

Ganap na alas-9 ng gabi nang matagpuan ang biktima ng kasamahan sa trabaho na si Nathaniel Agpaoa, habang nakabitin sa may kisame ng terrace ng tinutuluyan nito.

Huling nakitang buhay ang biktima ganap na alas-8:30 ng gabi habang mag-isang umi­inom sa tapat ng kanilang bahay.

Sa ngayon, inaalam pa ng awtoridad kung may foul play na naganap sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

GANAP

HULING

JAY MARK RERELA

KINILALA

MENDOZA ST.

NATHANIEL AGPAOA

PALTOK

UMINOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with