Salvage victim mistulang 'mummy'

MANILA, Philippines - Hinihinalang bik­tima ng summary execution ang bang­kay ng isang lalaki na ibi­na­lot na parang mummy sa isang ku­mot na puti ang buong katawan, na nang bi­nuk­san ay na­ kitang napupulu­putan ng packaging tape ang kabuuan ng ulo, may bakas na binigti, naka­tali ang mga paa at kamay ng straw, na itinapon lamang sa bangketa ng Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Sa pagtaya ng Manila Police District-Homicide Section, ang bik­tima ay nasa edad na 25-35, may taas na 5 talampakan, katam­taman ang panganga­tawan, maiksi ang gupit ng buhok at nakasuot ng kulay puting t-shirt at maong pants.

Ayon sa ulat dakong alas-4 ng madaling- araw nang madiskubre ang bangkay ng bik­tima sa bangketa sa kanto ng Tayuman at Anacleto sts., Sta. Cruz, Maynila.

Show comments