^

Metro

Quezon City gagawing luntian nina Bistek at Joy B.

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Gagawing luntian ng tambalang Mayor-elect Herbert “Bistek” Bautista at Vice-Mayor-elect Joy Bel­monte   ang Quezon City na kabilang sa kanilang de­velopment priorities para sa lungsod. 

Kaugnay dito, ang  QC Parks Development and Ad­ministration Department (PDAD) ay takdang mag- convert sa 341 open spaces sa lungsod para gawing parke  at play­grounds sa ilalim ng pa­ngasiwaan ng Bistek-Joy team upang matupad ang vision ng lung­sod bilang isang Garden City sa bansa sa mga susunod na panahon.

Ayon kay   PDAD Chief Zaldy de La Rosa  mula noong Enero ng taong ito, ang kanyang tanggapan ay naka-identified na ng 553 open spaces pero ang 341 lamang dito ang ma­lamang na mai-convert bilang mga bagong parke at playgrounds sa susunod na tatlong taon.

Sa kasalukuyan ang PDAD ay nakapag-deve­lop o naisailalim na sa re­hablitasyon ang may kabu­uang  139 parke sa apat na distrito sa lungsod na gi­nas­tusan na nila ng ha­lagang P698,263,270.45.

Ilan lamang sa mga na­pagandang parke sa lung­sod ay ang La Mesa Eco Park, Bernardo Park, Ba­lara Filters Parks, Tan­dang Sora Shrine,  C.P. Garcia Com­munity Park at ang pinaka parke, ang  26 na ektaryang  Quezon Me­morial Circle (QMC)  na pi­nondohan ng QC ng P250 milyon upang maging isang world-class central park  sa bansa.

BERNARDO PARK

CHIEF ZALDY

FILTERS PARKS

GARCIA COM

GARDEN CITY

JOY BEL

LA MESA ECO PARK

LA ROSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with