Muntin­lupa fire: 5,000 pamilya nawalan ng bahay

MANILA, Philippines - Matinding trapiko ang inabot ng mga motorista sa magkabilang panig ng South Luzon Express­way (SLEX) kahapon ng umaga sanhi ng naganap na sunog sa isang resi­dential area sa Muntin­lupa City.

Ayon kay Senior Supt. Pablito Cordeta, Bu­­reau of Fire Pro­tection-Na­tional Capital Region (BFP-NCR) Chief, nagsi­mula ang sunog dakong alas-4 ng mada­ling-araw kaha­pon sa Carmina Com­pound at kumalat sa Bunye com­­pound sa West Ser­vice Road sa Brgy. Cupang.

Nabatid na mabilis ku­malat ang apoy dahil gawa sa kahoy at may ka­­lumaan na ang mga kabahayan. Umabot sa general alarm ang sunog at nagkabuhul-buhol ang trapiko sa kakal­sadahan dahil kinailangan pa na tawagan lahat ng fire trucks sa mga fire sta­tions sa buong Metro Manila para rumes­ponde.

Ayon sa Muntinlupa BFP, dakong alas-10 ng umaga nang maapula ang apoy.

Sinabi ni Ivy Vital ng Manila Toll Expressway Systems, Inc. (Mates), ang new operators ng SLEX, nagkasabay-sabay ang responde  ng mga bum­bero at napa­bagal ang daloy ng tra­piko sanhi ng makapal na usok na naging sanhi ng pagdilim sa kalsada sa highway.  

Napag-alaman na tumindi pa lalo ang traffic nang magtakbuhan ang mga residente na nasu­nu­gan sa lansangan at umo­kupa sa kalsada na naging lagayan nila ng mga kaga­mitan na na­iligtas sa apoy.

Tinatayang mahigit 4,000 hanggang 5,000 pamilya ang nawalan ng tirahan. Walang iniulat na nasaktan o namatay sa na­ganap na sunog, pa­tuloy na nagsasagawa ng im­bestigasyon upang alamin ang dahilan ng pinagmulan ng apoy.

Show comments