Puganteng kidnaper, nalambat

MANILA, Philippines - Nalambat na ng tropa ng Quezon City Police ang isang convicted na miyembro ng kilabot na kidnap for ransom (KFR) gang na nakapuga sa kanyang piitan nitong Enero 31, 2010 sa Mindoro Occidental, iniulat kahapon.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Benjardi H. Mantele, ang suspect ay kinilalang si Benley Ancheta Pua, 37, takas mula sa Sablayan Penal Facility sa Mindoro Occidental, kung saan ito inilipat mula sa Bilibid Prisons sa Muntinlupa matapos na ma­sentensyahan ng habambuhay na pagkakabilanggo noong 2003 dahil sa kasong kidnapping at illegal possesion of firearms.

Sinabi ni Mantele, naging hatol na habambuhay ang ipinataw kay Pua, matapos na ma-commute ang unang hatol na kamatayan laban dito.

Nadakip ang suspect malapit sa E. Rodriguez Avenue, ganap na alas-3 ng hapon.  

Show comments