^

Metro

Aksidente ang tear gas incident sa Taguig - NCRPO

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ni NCRPO chief Director Roberto Rosales ka­hapon ang kapulisan ng Ta­guig sa pagkalat ng ‘tear gas’ sa proklamasyon ni Taguig Mayor elect Lani Cayetano ka­makalawa.

Kumbinsido si Rosales na ang pangyayari noong Miyer­kules ng hapon ay isang aksi­dente, habang idiniin naman ni Senator Pia Cayetano sa kan­yang twitter account na hindi maaring aksidente ang mga pangyayari.

“May kasanayan ang ta­uhan namin sa mga sitwasyong ito,” ani Rosales sa isang text message.

Ayon kay Rosales,  iim­ bes­ti­gahan ng NCRPO kung may pormal na reklamong ihahain laban sa Regional Mobile Group team na naka­talaga sa pagpa­pakalma sa mga tagasuporta ng parehong kampo ng mga Cayetano at Tinga.

“Naglalakad yung team ng Regional Mobile Group nang nabunot niya ang pin ng tear gas nang hindi sinasadya,” ayon kay Taguig Police Chief Camilo Pancratius Cascolan.

Agad na inatasan ni Cas­colan ang kanyang mga tauhan upang i-secure ang lugar at ang mga opisyal sa kaganapan, at tumawag ng ambulansya upang dalhin sa ospital ang mga naapektuhan ng pagkalat ng tear gas.

Samantala, ang dating ba­rangay chairman na si Fran­cisco Javier ay naghain na rin ng reklamo na nagsasaad diumano na inatake siya ni Senator Allan Peter Cayetano at ng kanyang mga escort noong araw ng halalan.

Ayon kay Javier, pina­ula­nan siya ng suntok sa C.P. Sta. Teresa Elementary School sa Bagumbayan. Inakusahan din ni Javier si Cayetano na nagha­hari-harian sa poll center.

AYON

CAYETANO

JAVIER

LANI CAYETANO

REGIONAL MOBILE GROUP

ROBERTO ROSALES

SENATOR ALLAN PETER CAYETANO

SENATOR PIA CAYETANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with