^

Metro

Rambol: 2 patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kapwa humandusay ang dalawang lalaki matapos ang na­ganap na rambol sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Ric Fontillas, 24; at Chris­topher Sta. Maria, alyas Topek; kapwa ng  Brgy. Gulod sa lungsod.

Sa ulat ni PO3 Manuelito Juanson, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Luzviminda St., Brgy. Gulod, Novaliches sa lungsod pasado alas-10 ng gabi.

Bago ang insidente, nagkaroon umano ng hindi pagkaka­unawaan ang mga dalawa sanhi upang magsuntukan ang mga ito. Nasa kainitan ng pambuno ang dalawa nang makialam ang grupo ni Fontillas at pinagbubugbog si Sta Maria.

Ilang sandali ay rumesbak si Sta. Maria na may dalang patalim at pinagsasaksak sa katawan si Fontillas.

Sa komosyon, isang hindi nakikilalang suspect ang bigla na lamang inundayan ng saksak sa katawan si Sta Maria.

Si Fontillas ay agad na itinakbo sa Quezon City General Hospital ngunit nasawi rin ito. Habang si Sta. Maria ay isinugod sa Novaliches General Hospital at idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

BRGY

FONTILLAS

GULOD

LUZVIMINDA ST.

MANUELITO JUANSON

NOVALICHES GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

RIC FONTILLAS

SI FONTILLAS

STA MARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with