^

Metro

Opisyal ng Bureau of Fire, kinatay ng bayaw

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ni Chief Supt. Benjardi Mantele, QCPD director ang biktima na si SFO1 Gabriel Jose, 53, na­ka­talaga sa San Lazaro Fire Station sa Maynila at re­si­dente sa Molave II, Damong Maliit St. sa Quezon City.

Ayon kay Mantele, ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa dibdib, leeg at may mga galos din ito sa kanyang mga braso na palatandaang nanlaban ito sa suspect.

Sa pagsisiyasat, lumilitaw na natagpuan ang bangkay ng biktima ng kayang caretaker na si Narciso Busta­mante sa loob mismo ng kanilang bahay pasado alas- 12:30 ng tanghali.

Sa ulat ni PO2 Jose Roland Belgica Jr., ng Criminal Investigation and Detective unit ng Quezon City Police, bago ang insidente, alas- 3 ng hapon ng Lunes ay nagpunta si Busta­mante sa biktima para ayusin ang doorknob ng pintuan ng kanyang banyo at nang mata­pos ay saka siya pina­balik ng huli kinabu­kasan para pakainin naman ang alaga niyang aso.

Kaya pagbalik ni Busta­mante ng nasabing oras, ay napuna niyang bukas ang gate ng bahay ng amo sanhi upang mabilis siyang pu­masok at pinakain ang ala­gang aso nito.

Habang nagpapakain ng aso, napuna ni Bustamante na bukas ang ilaw sa sala gayun­din ang telebisyon, dahilan upang silipin niya ito sa bintana kung saan nakita niya ang amo na nakahan­dusay sa sahig at duguan.

Sa panayam ni Belgica kay Bustamante, Mayo 2 ay sinabihan umano siya ng biktima na nakaalitan niya ang bayaw na si Francisco Pascual.

Samantala, napag-ala­man ng awtoridad na si Pascual ay na­kaalis na ng bansa kama­kalawa ga­nap na alas-12:30 ng umaga.

BENJARDI MANTELE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUSTA

BUSTAMANTE

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE

DAMONG MALIIT ST.

FRANCISCO PASCUAL

GABRIEL JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with