41 katao arestado sa liquor ban
MANILA, Philippines - May 41 katao na lumabag sa ipinatutupad na liquor ban bago magsimula ang botohan ang iniulat na nadakip ng awtoridad sa magkaka hiwalay na operasyon sa Quezon City.
Ayon kay Chief Supt. Benjardi Mantele, director ng QCPD, ang naturang mga suspect ay naaresto simula nang ipatupad ang liquor ban nitong May 9 hanggang May 10 kaugnay pa rin ng 2010 election.
Nabatid na sa 41 katao, 19 dito ay naaresto sa iba’t-ibang lugar na sakop ng Novaliches Police Station (PS-4), habang anim naman ang nahuli sa nasasakupan ng Masambong Police Station (PS-2).
Samantala, ang natitirang 16 katao naman ay nadakip sa operation ng mga operatiba ng District Police Intelligence Unit (DPIOU) ganap na alas -8 hanggang alas-9 gabi habang aktong umiinom ng alak sa kanilang mga lugar.
Dagdag ni Mantele, ang mga suspect ay iniharap na sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office at maaring mabilanggo ng isa hanggang anim na taon.
- Latest
- Trending