^

Metro

Atienza magpo-protesta, Manual counting, hihilingin

-

MANILA, Philippines - Maghahain ng election pro­test ang kampo ni mayoral­ty candidate Lito Atienza  upang mabigyang linaw ang kanilang mga katanungan at ang pagdu­ duda ng mga Manileño sa naging resulta ng automated poll elections.

Sinabi ni Ali Atienza, cam­paign manager ni dating DENR Secretary Atienza, nagtataka umano sila gayun­din ang mga residente ng May­nila kung ano ang nang­yari at saan napunta ang ka­nilang mga boto kayat mag­ha­­hain sila ng protesta at hi­hilingin ang manual count sa anim na distrito ng lungsod.

Iginiit ni Ali, na ang resulta ng random manual audit na ginawa sa mga barangays sa Maynila ay hindi tumutugma sa bilang na inilabas ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines.

Inihalimbawa ng batang Atienza, ang nangyari sa precinct 367 ng barangay 198 sa district 2 kung saan ang boto ni Mayor Alfredo Lim sa bilang ng PCOS machines ay 464 habang sa manual count ay 400 la­mang, gayundin ang nang­yari sa manual audit sa Legarda Elementary school sa precinct  887 barangay 559 sa PCOS count lumala­bas na 393 boto ni Lim samantalang sa manual count ay 183 votes lamang.

Ganito rin ang nangyari sa Earist School sa district 6, ba­rangay 633 precinct no.1291, PCOS count kay Lim ay 347 habang sa manual count ay 216 votes lamang ito.

“Nais naming ma-beripika ang resulta sa bawat ba­rangay at ito ang aming obli­gas­yon upang masiguro na ang tunay na boses ng Manileno ay naririnig”, ayon pa sa batang Atienza.

ALI ATIENZA

ATIENZA

COUNT

EARIST SCHOOL

LEGARDA ELEMENTARY

LITO ATIENZA

MAYOR ALFREDO LIM

PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN

SECRETARY ATIENZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with