SB waging congressman sa Quezon City
MANILA, Philippines - Maingay at mainit ang pagsigaw ng mga taga -suporta ni outgoing QC Mayor Feliciano “SB” Belmonte Jr. bago ito iproklama ng Commission on Elections sa QC Albert Hall sa City Hall bilang nanalong kongresista sa district 4 ng lungsod kahapon ng umaga. Umalingawngaw ang sigawan ng mga supporter at party mates ni SB sa pagsasabi ng “Speaker! Speaker!” na sinasabing pinakamatinding contender sa pagka- speaker sa mababang kapulungan.
Inaasahan na si Belmonte ng Liberal Party ang matinding makakalaban ni Pangulong Gloria Arroyo kapag pormal na itong magwawagi sa kandidatura nito sa ikalawang distrito ng Pampanga bilang representative. Sinabi pa ni Belmonte sa isang panayam na malamang na siya ang basbasan ng kanilang partido para maging house speaker. Malaki naman ang paniwala ni Belmonte na si GMA ang magiging matinding kalaban niya sa pagka-Speaker.
- Latest
- Trending