^

Metro

Kelot arestado sa pagkakabit ng tarpaulin ng kandidato

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 50-an­yos na driver matapos ma­aktuhan na nagkakabit ng tar­paulin ng isang mayoral can­didate sa harapan ng isang public school, sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi, na saklaw na ng paglabag sa Omnibus Election Code o ang illegal Posting of Election Materials.

Nakapiit sa Manila Police District-General Assignment Section (GAS) ang naarestong suspek na si Roberto de Guz­man, 50, driver ng Oroqueta St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni C/Insp. Marcelo Reyes, dakong alas-11:20 ng gabi nang dakpin si De Guzman sa aktong nagkakabit ng tar­paulin ng kandidato sa harapan ng P. Gomez Elementary School na matatagpuan sa P. Guevarra st., Sta. Cruz.

Nakatakas naman ang tatlo pang di nakilalang kasamahan ni De Guzman.

Hawak din ng awtoridad ang limang malalaking tarpaulin na may sukat na 5x 13 colored at may mukha nina Lito Atienza at running mate nito, na narekober kay De Guzman, isang multicab na may plakang JCZ-813, na   pinaglalagyan ng mga tarpaulin.

vuukle comment

ARESTADO

CRUZ

DE GUZMAN

GOMEZ ELEMENTARY SCHOOL

LITO ATIENZA

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MARCELO REYES

MAYNILA

OMNIBUS ELECTION CODE

OROQUETA ST.

POSTING OF ELECTION MATERIALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with