Kusinero nagbigti

MANILA, Philippines - Labis na depression o kalungkutan sa buhay ang nagtulak sa isang chef para magpaka­ma­tay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa Pro­ject 3, Que­zon City, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kini­lalang si Roberto Hebron, 34, may-asawa ng 30 Ipil St., Project 3.

Ayon kay PO3 Ma­nuelito Juanson, may-ha­wak ng kaso, labis na dep­resyon sa buhay ang na­ramdaman ng biktima mula nang mawalan ng trabaho at hiwalayan ng asawa.

Sa ulat, ganap na alas-7:15 ng umaga nang ma­tag­ puang walang buhay ang biktima ng kan­yang kuya na si Renato habang nakabitin sa dooknob ng cabinet gamit ang nylon cord.

Agad na tinanggal ng kapatid buhat sa pagka­kabitin ang biktima at itinakbo sa World City Medical Center ngunit idineklara din itong patay.

Dagdag ni Juanson, ito ang ika-apat na pag­ta­tangka ng biktima na ta­pusin ang kanyang buhay, kung saan ang iba ay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang pulso ngunit agad itong naisasalba. Pero sa huling pagkaka­taon ay hindi na ito naka­ligtas pa.

Hindi na rin umano pina-autopsy ng kanyang mga kaanak ang kata­wan ng biktima dahil na­niniwala umano ang mga ito na nag­pakamatay ito at walang foul play.

Show comments