MANILA, Philippines - Nakapagtayo na ng Territorial Headquarters Building ang Salvation Army Christian Church, matapos ang 70 taong serbisyo at pagkalinga sa mga mamamayang naghihirap sa Pilipinas ng kanilang religious sector. Kahapon Mayo 8, 2010 ginanap ang dedication ceremony sa 3-palapag na gusali ng headquarters sa 1843 Leon Guinto Sr., Street, Malate Manila. Pangungunahan ni Salvation Army’s International Chief of Staff Commissioner Robin Dunster na magmumula sa London ang okasyon. Nabatid na Terreitorial Commander si Colonel Macolm Induruwage, sa 1,400 square meter na building project na pinondohan umano ng Salvation Army USA Western Territory.