^

Metro

MMDA kakasuhan sa pagsira sa posters ni Cory, Ninoy

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nahaharap sa tatlong kaso ang pamunuan ng  Metro­politan Manila  Development Authority (MMDA) matapos sa umano’y pagsira sa posters at banner  ng mga mukha ng mag-asawang  Ninoy at da­ting Pangulong Cory Aquino.

Sinabi ni   Secretary to the Mayor  Atty. Rafaelito Garay­blas na kabilang sa kanilang  ka­kasu­han ng grave abuse of authority, grave misconduct at malicious mischief ay sina MMDA chairman Oscar Ino­cen­tes,  MMDA director Ro­berto Nacianceno at mga nagtanggal ng mga posters at banners.

Ayon kay Garayblas,  mali ang ginawang pagbabaklas ng mga  opisyal at  tauhan ng MMDA sa mga posters sa ka­habaan ng  Roxas Blvd., Vito Cruz, Burgos at  sa España sa Maynila dahil hindi naman ma­ituturing na political ma­terials ang mga naturang  banners.

Ipinaliwanag naman ni  Atty. Renato  dela Cruz, City Legal na  inilagay ang mga posters at ban­ners ng mag-asawang Aquino matapos na mamatay si dating Pres. Cory.    

AQUINO

CITY LEGAL

DEVELOPMENT AUTHORITY

OSCAR INO

PANGULONG CORY AQUINO

RAFAELITO GARAY

ROXAS BLVD

SHY

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with