^

Metro

Mapayapang eleksyon sa Quezon City, inaasahan

-

MANILA, Philippines - Kampante si Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte Jr. na magiging tahimik at ma­ayos ang eleksyon sa lungsod.

Upang masiguro ito, ipinag-utos ni Mayor Belmonte sa mga opisina at pinuno ng mga depar­tamento sa city hall laluna sa City General Service Office (CGSO) na pinamumunuan na tumulong sa mga kawani ng Commission on Elections (COMELEC) at mga guro sa kanilang mga pangangailangan sa darating na halalan.

Inatasan niya ang CGSO na maging bukas 24-hours nga­yong Linggo upang matu­gunan ang mga dapat iayos at itulong sa mga mangangasiwa ng eleksyon sa QC.

Kasabay din nito, pinabu­laanan ni Belmonte ang unang napabalita na kabilang ang QC sa election hotspots sa bansa ngayong panahon ng halalan. Ito rin ang mariing sinabi ng kauupo pa lamang na  director ng  Quezon City Police District (QCPD) na si P/CSupt. Benjardi Mantele. Anya, walang elect­ion-related incident na naitala sa mga blotter book ng 12 presinto ng QCPD mula ng magsimula ang eleksyon upang masabing isa ito sa election hotspot ng bansa.

Samantala, higit na lumakas ang tsansang manalo ng mga kandidato ng Liberal Party (LP) sa pangunguna ni Mayor Belmonte na tumatakbo bilang Kongresista sa ika-4 na distrito ng lunsod, mayoral bet Herbert “Bistek” Bautista at running mate Joy Belmonte matapos masungkit nila ang indorso ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon kay Secretary to the Mayor  at Administrator of Que­zon Memorial Circle (QMC) Tadeo Palma, halos lahat ng kandidato ng LP sa ilalim ng SB Team ay nasa listahan ng mga kandidatong susuportahan ng INC ngayong Mayo 10. (Angie dela Cruz)

ADMINISTRATOR OF QUE

BELMONTE JR.

BENJARDI MANTELE

CITY GENERAL SERVICE OFFICE

JOY BELMONTE

LIBERAL PARTY

MAYOR BELMONTE

MEMORIAL CIRCLE

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with