MANILA, Philippines - Sigurado na ang “landslide victory” ni Mayor Aldrin San Pedro sa Muntinlupa batay sa mga survey at endorsement. Pormal nang inindorso ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kandidatura ni Mayor Aldrin San Pedro sa Muntinlupa. “Taus-puso akong nagpapasalamat sa Iglesia ni Cristo sa kanilang patuloy na pagtitiwala at pagsuporta,” wika ni Mayor San Pedro. Ang pag-endorso ng INC kay San Pedro ay mas lalong nagpalakas sa kanyang kandidatura na nagpipinto ng kanyang landslide victory sa Muntinlupa laban kay Jaime Fresnedi. Patuloy din ang pangunguna ni San Pedro sa mga survey sa Mun tinlupa. Sa isang online poll, nakakuha si San Pedro ng 62.33 percent o 1,026 boto, may malaking lamang siya na 27.64 percent laban kay Fresnedi na nakakuha lamang ng 34.69 percent.