Atienza nagpasalamat sa suporta

MANILA, Philippines - Nagpasalamat kahapon si Manila mayoralty can­didate Lito Atienza sa Iglesia ni Cristo (INC), sa El Shaddai, sa Muslim community, parish councils, mga barangay officials, mga organisasyon sa lung­sod, sa mga residente at lahat ng  mga naniniwala at sumu­suporta sa kanyang kandidatura.

Sinabi ni Atienza na umaapaw ang kanyang kaligahan dahil sa walang humpay na pag- suporta sa kanya ng Manileño at ramdam din nito na mahal siya ng mga residente ng Maynila.

“Maraming salamat!, nakikita ko na ang ta­gumpay”. “I am overwhelmed by the support I am get­ting from every­one.  I feel loved by the people of Manila. And I am very, very grateful. Salamat… ma­raming salamat!”, ayon pa sa nagbabalik na Alkalde.

“Gagampanan ko ang aking tungkulin bilang Ama ng lungsod at sisiguruhing maisa­katuparan ang lahat ng aking programa para sa Maynila, lalo na ang para sa mahi­ hirap. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ang tiwa­lang ibinibigay n’yo sa akin,” pagdi­diin pa ni Atienza.

Show comments